LIZA_pls crop out the card copy copy

“ANG gandang bata!” sambit ng isang ginang na humahanga kay Liza Soberano na agad naming sinang-ayunan dahil talaga namang kakaiba ang kagandahan ng young actress. From among her peers, nangingibabaw ang kanyang kagandahan.

Maging ang mga banyagang celebrity, naaakit at nahuhumaling sa kanyang kariktan. Taglay ni Liza ang aura of freshness na wala sa ibang stars.

Napakapositibo rin ng kanyang vibes. If you happen to see her, ang makikita mo sa kanya ay imahe ng isang dalagang may tiwala sa kanyang sarili pero nagra-radiate ng aura ng kabutihan. Ito ang dahilan kung bakit mabenta siya sa mga advertiser.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang pagkakaroon ni Liza nang positibong pananaw sa buhay at willingness to learn ay malaking puntos din kaya itinuturing siyang excellent product endorser. Napapanatili niya ang kanyang magandang imahe sa showbiz. Hindi siya nakakasali sa anumang kontrobersiya na makakasira sa kanyang magandang pangalan at positive vibe.

Kaya para sa kanyang mga tagasubaybay, perfect role model ng kabataan ang dalaga.

For these reasons, unanimous ang pagkakapili sa kanya ng Metrobank Card, Inc. para maging brand ambassador ng Yazz Prepaid Card. Para sa makers ng Yazz Prepaid Card, perfect para sa kanilang campaign ang wholesome personality ni Liza. She is young, vibrant, talented, and is admired by many for the positive vibes that she exudes.

Ang kanyang programang Dolce Amore, na pinagtambalan nila ni Enrique Gil with Matteo Guidicelli, ay nagtapos na mataas ang rating dahil sa high production values and beautiful story. And part of the credit should go to Lisa’s good acting and positive vibe.