Labinglimang sundalo, kabilang ang isang Philippine Army officer na may ranggong second lieutenant, ang nasawi at 12 iba pa ang nasugatan sa tuluy-tuloy na labanan sa pagitan ng militar at Abu Sayyaf Group (ASG).

Hanggang noong Lunes ng hapon, sa panig ng bandido ay apat naman ang pinakahuling nasawi, kaya umabot na sa 25 Abu Sayyaf ang napapaslang sa labanan sa Sulu, na nagsimula nitong Biyernes.

Napatay sa labanan si ASG sub-leader Mohammad Said, alyas ‘Ama Maas’, na responsable umano sa pagpugot sa ulo ng dalawang Canadian hostages.

Kinumpirma ni Marine Col. Edgard A. Arevalo, hepe ng Armed Forces of the Philippines-Public Affairs Office, na namatay sa labanan ang hindi pa pinangalanang Army officer, samantala may mga ranggo namang staff sergeant, corporal, private first class at private ang iba pang nasawi.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“We are withholding the names of those killed and wounded until their next of kins were duly notified,” ayon kay Arevalo.

Hanggang sa kasalukuyan ay tuluy-tuloy pa rin ang labanan sa Sulu. “There may still be casualties along the way as we advance this solemn duty to eradicate these bandits and terrorists of 25 years, but we will not stop until we rid our country of the menace this ASG brings to the world,” ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Ricardo Visaya, sa pagbibigay-pugay sa mga nasawing sundalo. (FRANCIS WAKEFIELD at FER TABOY)