Nakumpleto ng defending champion Ateneo ang ‘sweep’ sa Group B elimination matapos gapiin ang University of the Philippines, 25-21, 25-18, 25-12 kahapon sa pagpapatuloy ng Spiker’s Turf Season 2 Collegiate Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.

Balanseng opensa sa pamamagitan ng playmaking ni setter Ish Polvorosa na nagtala ng 27 excellent set ang naging susi sa nasabing panalo ng Blue Eagles.

Nagtala ng 12 puntos si rookie Anthony Kofman habang nag- ambag ng tig-walong puntos sina reigning MVP Marck Espejo at Joshua Villanueva upang pamunuan ang nasabing panalo, ikalimang sunod ng Ateneo sa torneo na nagbaba naman sa Maroons na pinamunuan ni Mark Millete na may pitong puntos sa barahang 3-2.

Dominado ng Eagles ang nasabing laban kontra Maroons gaya ng ipinakita nang mga itinala nilang numero na kinabibilangan ng 35-19 sa hit, 7-3 sa block at 8-5 sa ace.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nauna rito, nagwagi naman ang College of St.Benilde sa kapwa sibak ng Philippine Merchant Marine School,25-17, 32-30, 27-25.

Nanguna sa Blazers si Johnvic de Guzman na umiskor ng 13 hit at apat na block, habang tumapos na topscorers para sa Mariners na nanatiling winless sa loob ng limang laro sina Erickson Chan at Ronel Fortaleza na may tig-12 puntos.

(Marivic Awitan)