Kinumpirma kahapon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pagkakatagpo nitong Sabado ng hapon sa bangkay ng piloto at aircraft mechanic engineer na nasa loob pa ng rescue helicopter na bumulusok sa General Nakar, Quezon nitong Lunes, dahil sa masamang panahon.

Sa isang pahayag, kinilala ng CAAP Operations and Rescue Coordinating Center (ORCC) ang mga nasawi na sina Captain Miguel Logronio at Aircraft Mechanic Engineer Jay Gregorio.

Ayon sa CAAP, nasa loob pa ang mga bangkay ng “single-engine light helicopter AS350B2 type” nang matagpuan ng search and rescue team, na pinangunahan ni Capt. Jojo Consuji, dakong 3:30 ng hapon.

Pag-aari ng Macroasia Air Taxi Services, nabatid na sasaklolo ang helicopter sa mga obrerong na-stranded sa Sumag diversion tunnel sa Quezon nang bumulusok ito sa kasagsagan ng malakas na ulan na dulot ng habagat.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“The chopper crash site was first sighted by 505th search and rescue group of Philippine Air Force last Tuesday (August 23) but it was only today that it was reached because of the bad weather condition in the area,” saad sa pahayag ng CAAP kahapon. (Martin A. Sadongdong)