J.Lo copy

HINDI mahirap intindihin ang post ni Jennifer Lopez nang bumalik siya sa Instagram sa unang pagkakataon simula nang makipaghiwalay kay Casper Smart, at nag-post ng mensahe tungkol sa kanyang puso.

Habang nasa location shooting sa NYC para sa TV series na Shades of Blue, nag-pose ang 47-year-old actress, singer, at professional heartbreaker, na naka-costume sa kanyang character bilang NYPD detective, sa sidewalk graffiti na nagsasaad ng, “Protect Yo Heart.” At ang kanyang body language? Punung-puno ng confidence!

Hindi na halos mabilang ang naranasang breakup ng Bronx native, kabilang ang tatlong kasal at isang engagement (long live Bennifer!), at pinakabagong pagsubok ang pakikipaghiwalay sa backup dancer (at personal assistant stand-in), na matagal nang on and off ang relasyon simula Oktubre 2011. Tiyak din namang makakapag-move on siya pagdating ng panahon - kung hindi pa man - at malalampasan itong mas matatag siya kaysa dati, dahil sadyang ito ang karakter ni J.Lo

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Gayunman, kailangan pang abangan kung tuluyan na nga bang puputulin ni La Lopez ang kaugnayan sa kanyang ol’ Beau.

Hindi dapat kalimutan na nakipaghiwalay din si J.Lo kay Casper noong 2014. Isa pa, ibinalita ng TMZ na nag-uusap pa rin ang dalawa bagamat itinuturing ni J.Lo na tapos na ang kanilang relasyon.

Ayon sa website, nag-ugat ang hiwalayan nang unahin ni Casper ang pagpunta sa Vegas kasama ang mga kaibigan para sa Conor McGregor/Nate Diaz fight kaysa pumunta sa Hamptons fundraisers kasama ang mom of two.

Hindi lang si Lopez ang celebrity fan ng “Protect Yo Heart” movement, na ginawa ng street artist na si UncuttArt (na nag-repost ng post ni Lopez sa Instagram). (Yahoo Celebrity)