250816_AngeloSuarez_Cruz-7 copy

Makalipas ang dalawang araw na pagkakakulong sa Quezon City Police District (QCPD)-station 10, pinalaya na si Angelo Suarez, ang umano’y nag-vandal ng mga katagang “MRT bulok” sa MRT Quezon Avenue Station nitong Martes.

Sa resolusyon ni Quezon City Assistant City Prosecutor Rowena Balagtas-Borge, nakasaad na “for further investigation” ang reklamo laban kay Suarez.

Ayon sa piskalya, walang karapatang maghain ng “instant complaint” ang kinatawan ng MRT3 na si Bryan Factuar dahil sa kabiguan nitong makapagsumite ng sertipikasyong otorisado siya ng Kalihim ng Department of Transportation and Communication (DoTC).

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Bagamat nakalaya, tuloy pa rin ang preliminary investigation laban kay Suarez kaugnay sa reklamong paglabag sa ordinansa ng lungsod.

Kaugnay nito, nanawagan si Suarez kay Pangulong Rodrigo Duterte na bantayan ang pampublikong transportasyon upang hindi manipulahin ng mga taong nais gawing negosyo ang gobyerno. (Jun Fabon)