] copy copy

ANG saya-saya ni Barbie Forteza nang humarap sa presscon ng Sunday Pinasaya. Pero sa solo interview kay Barbie, natuklasan ng reporters na may dinaramdam pala ang puso niya.

Break na sina Barbie at Kiko Estrada after four months of relationship. Hindi siya nag-elaborate kung bakit mabilis nagtapos ang relasyon nila.

“Sabihin na lang natin na time based ang naging rason ng break-up namin. Parang lagi kaming naghahabol ng oras.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Walang regrets dahil may lessons akong natutunan. Nasaktan ako dahil hindi naman ako robot, but I know, mawawala rin ito,” sabi ni Barbie.

Samantala, kasama na sa Sunday Pinasaya si Andre Paras, ibig sabihin, tuloy ang love team ng dalawa. Every Sunday na muna mapapanood ang tambalan nila habang wala pa silang soap.

Sa two Sundays (September4 and 11) ise-celebrate ng Sunday Pinasaya ang kanilang anniversary.

Bukod kay Andre, regular cast na rin sina Gladys Guevarra, Pekto, Lovely Abella, Kim Last, Atak, Gabbi Garcia, Boobsie, at Ruru Madrid. Sina Louie Ignacio at Rich Ilustre ang dalawang directors ng SPS. (NITZ MIRALLES)