LUCENA CITY, Quezon – Dalawang hinihinalang miyembro ng Alcala drug group ang napatay sa pakikipagbakbakan sa mga pulis na magpapatupad sana ng arrest warrant sa Via Calibria Street sa Citta Grande Subdivision, Barangay Ibabang Iyam sa siyudad na ito.

Sa police report, kinilala ang suspek na si Marlex John Revidizo Afable, alyas Joquin, 24, residente sa lugar; habang hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng kasamahan niya na nasawi rin.

Pinangunahan ni Supt. Noel Donato Nunez, ng Provincial Anti-Illegal Drug-Special Operation Task Group ang pagsisilbi ng arrest warrant laban kay Afable nang paputukan umano ng dalawang suspek ang mga pulis.

Gumanti ang mga awtoridad, at napatay ang dalawa.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nakumpiska mula sa kay Afable ang hinihinalang shabu na nasa 3.2 gramo, isang .38 caliber revolver na kargado ng mga bala, at dalawang basyo ng bala; habang isa ring .38 caliber revolver na may mga bala at dalawang basyo naman ang nakuha sa isa pang suspek.

Ayon sa police record, si Afable ay miyembro ng Alcala drug group at nasa listahan ng high-value targets (HVT) ng mga sangkot sa droga ng Quezon Police Provincial Office. (Danny J. Estacio)