STA. ROSA, Nueva Ecija - Dalawang tama ng baril sa ulo ang ikinamatay ng isang 32-anyos na aktibong miyembro ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAF) sa Purok 4, Barangay Liwayway sa bayang ito, nitong Huwebes ng gabi.

Sa ulat ni Chief Insp. Jeffrey Alivia kay Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, Nueva Ecija Police Provincial Office director, agad na nasawi si Carmelita Malagenio Pine, tubong Naujan, Mindoro Oriental.

Sa imbestigasyon ni PO2 Daniel Vilanueva, dakong 8:30 ng gabi at nakaangkas si Pine sa motorsiklong minamaneho ng hindi nakilalang lalaki nang huminto ito sa madilim na bahagi ng pinangyarihan ng krimen hanggang sa nakarinig umano ang ilang saksi ng tatlong putok ng baril.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng salarin at ang motibo sa pamamaslang. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog