CORRECTION Rio Olympics Soccer Men

Unang Olympic gold sa soccer, nakuha ng Brazil sa shootout.

RIO DE JANEIRO (AP) — Muling binaha ng luha ang makasaysayang Maracana Stadium. Ngunit, sa pagkakataong ito, luha ng kasiyahan at tagumpay ang tumulo sa pisngi ng Brazilian soccer fans.

Dalawang taon matapos malugmok bunsod nang nakadidismayang 1-7 kabiguan sa Germany sa World Cup championship, dumagundong ang Maracana sa hiyawan ng mga tagahanga nang makamit ng Brazil ang tanging korona na hindi pa nila nakakamit – ang Olympics.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

At walang papantay sa kasiyahan ng Brazilian sa katotohanan nakamit nila ang tagumpay sa pahirapang shootout at mula sa krusyal na penalty kick ng pinakapaboritong anak sa kasalukuyan na si Neymar.

Nakamit ng Brazil ang kauna-unahang Olympic gold nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa makapigil-hiningang 1-1 (5-4) shootout victory laban sa mahigpit na karibal na Germany.

Bago ang huling penalty shot, dinampian ng halik ni Neymar ang bola bago ibinaba sa penalty spot. Sa saliw ng hiyawan ng mga kababayan, walang kabang isinalpak ang goal para sa krusyal na panalo bago siya napaluhod para sa isang pagdiriwang.

“That’s it,” pahayag ni Neymar. “We made history.”

Matindi ang paghahangad ng bansa para sa tagumpay sa soccer dahil ang pagdiriwang ay kagyat na papawi sa samu’t saring suliranin na kinaharap ng Brazil mula sa recession, political scandal, health scares bunsod ng maruming katubigan at Zika virus.

Sa isang sipa ni Neymar, lahat ng kalungkutan at alalahanin ng bansa ay naisantabi – kahit pansamantala.

“Obviously this tournament had a special meaning for Brazil,” pahayag ni Neymar. “This is one of the happiest things that have happened to me.”

Nagdiwang ang Brazilian, hindi lamang sa Rio kundi maging sa buong kapuluan, isang tagpo na matagal na ring hindi natutunghayan at natitikman sa bansang pinagmulan nang pinakamahuhusay at pinakasikat na football player sa mundo.

Matapos ang ilang pagtatangka ng Germany, nakasilip ng pagkakataon ang Brazilian at naisalpak ni Neymar ang goal para s 1-0 bentahe, may 26 minuto sa laro.

Kabilang ang tinaguriang ‘fastest man’ na si Usain Bolt sa crowd na nagdiwang sa iskor ni Neymar.

Nabigo ang Brazil sa tatlong Olympic finals kabilang ang 2012 London Games kung saan nasilat ng Mexico, 2-1, ang koponan na kinabibilngan ni Neymar at iba pang supertar ng bansa. Nagwagi ang Brazil ng dalawang bronze medal sa Olympics.

“Beloved nation, the gold is ours,” pahayag ni Weverton.