Pinuri ng matataas na opisyal ng US Navy Pacific Fleet, na namuno sa 2016 Pacific Partnership humanitarian mission sa bansa kamakailan, ang mahusay at mabisang disaster risk reduction (DRR) program ng Albay, at sinabing dapat itong matutuhan ng buong mundo, kasama na ang United States.

Sa Facebook post ni Albay Rep. Joey Salceda, sinabi ni US Navy Pacific Commander Commodore Tom Williams kamakailan sa isang teleconference sa Malaysia na maraming “great ideas” silang natutuhan habang nasa Albay, na kilala “zero casualty goal” nito kapag may kalamidad.

“I learned how robust and how capable the disaster response system Team Albay has. It is a model for the way I think many countries in the Pacific should operate,” ani Williams.

Bilang host ng 2016 Pacific Partnership humanitarian mission (Hunyo 27-Hulyo 11), dumaong sa probinsiya ang pangunahing tampok ng misyon, ang pinakamalaking hospital ship sa mundo na USNS Mercy, ng US Navy Pacific Fleet.
Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito