BATANGAS CITY - Patay ang isang suspendidong pulis matapos pagbabarilin habang sakay sa isang pampasaherong jeep sa Batangas City, kahapon ng umaga.

Ayon sa report, dakong 11:30 ng umaga nang pagbabarilin si PO3 Nestor Dimaano, 50, sa may Barangay Kumintang Ibaba sa lungsod.

Tumakas ang mga suspek na kapwa nakasuot ng itim na jacket at helmet, at sakay sa motorsiklo.

Ayon kay Supt. Barnard Danie Dasugo, hepe ng pulisya, sinuspinde si Dimaano ng Police Regional Office (PRO)-4A simula pa noong Agosto 1 dahil sa kasong grave misconduct kaugnay ng kanyang statement of assets liabilities and net worth.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Bagamat kabilang sa drug watchlist ng pulisya, inaalam pa kung may kinalaman sa droga ang pamamaslang kay Dimaano.

(Lyka Manalo)