HERBERT copy copy

LABIS ikinalungkot ni Mayor Herbert Bautista ang kinakaharap na suliranin ng nakababatang kapatid, ang bagong upong konsehal ng Quezon City na si Hero Bautista, na nagpositibo sa drug test.

Personal namang humingi ng dispensa sa mga kapwa konsehal at ganoon na rin sa constituents niya si Hero.

Ipinahayag ni Hero sa kanyang privilege speech sa konseho ang kanyang pansamantalang pagbabakasyon bilang councilor ng Kyusi.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sa interbyu kay Mayor Herbert, itinanggi niyang protector siya ng illegal drugs traffickers.

“I’m not involved, never been involved and never transacts illegally in this country,” lahad ni Mayor Herbert.

Nagpahayag na rin naman ng sentimiyento hinggil sa nangyayari sa kanilang pamilya ang kanilang kapatid na si Harlene Bautista. Ayon kay Harlene sa pamamagitan ng liham na ipinadala sa Tonight With Boy Abunda, napakahirap ng pinagdaanan ng kanilang pamilya ngayon.

“Mahirap pala kapag ang mahal mo na sa buhay ang naging biktima ng salot na droga. Kahapon ay buong tapang niyang hinarap ang pagbabago na naghihintay sa kanya.

“Siya ay pansalamantang nagpaalam sa konseho upang sumailalim sa programa, upang muling maibalik sa tuwid ang kanyang buhay. Hinihiling ng aming pamilya, sa pangunguna po ng ating kaibigang Mayor Herbert Bautista, ng inyong mga panalangin para sa aming kapatid na sana sa kanyang pagbalik ay yakapin ninyo siyang muli.

“Tulad nang dati, makakaasa kayo na ang aming pamilya ay kasama ninyo na lumalaban upang masagip ang mga biktima at tuluyan nang ma’waksi ang lason sa ating lipunan,” bahagi pa ng sulat ni Harlene kay Kuya Boy Abunda.