US vs Spain sa Olympic basketball s’finals.

RIO DE JANEIRO (AP) — Rematch para sa all-NBA US Team at Spain.

Ngunit, nagtagpo ang kanilang landas sa mas maagang pagkakataon at sa krusyal na sitwasyon.

Nanaig ang Americans at Spaniards sa kani-kanilang karibal sa knockout phase para maisaayos ang duwelo sa semifinal match-up.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ginapi ng US, sa pangunguna ni Kevin Durant na kumana ng 27 puntos, ang Argentina 105-78; habang pinataob ng Spain, sinandigan ni NBA All-Stars Pau Gasol, ang matikas na French squad, 92-67, nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Nagkaharap ang dalawang koponan sa gold medal duel sa nakalipas na dalawang Olympics kung saan dominante ang Americans.

“We have to play hard. We have the opportunity to turn things around. It’s hard, really hard for us, but we have good chance,” pahayag ni Gasol.

Mula sa tatlong dikit na panalo sa elimination, ipinamalas ng Americans ang katatagan sa depensa at mas impresibong shooting para padapain ang Argentina sa kaagahan ang laro at tuluyang ibaon sa 27-2 run sa first half.

Hataw si Luis Scola sa Argentina sa natipang 15 puntos, habang kumana si Manu Ginobili ng 14 puntos.

Umani ng paghanga at respeto mula sa crowd si Manu Ginobili, ang pinakabeteranong player sa Argentina sa edad na 38.

Pinagkaloob siya ng simbolikong bola ng International Olympic Committee (IOC) bilang pagkilala sa kontribusyon niya sa Olympics bilang miyembro ng Argentina basketball team sa nakalipas na apat na edisyon ng Summer Games.

Tulad ni Ginobili, ipinahayag ni French star Tony Parker, ang pagreretiro sa Olympic team.

“I just took a lot of pride playing for the national team,” sambit ng 34-anyos na si Parker, umiskor ng 14 puntos sa kanyang huling Olympic game.

“I just love playing in this competition. I love this atmosphere, which is very different than the NBA. Growing up, my dream was to win an NBA championship. That was my ultimate goal. But as I grew up, I fell in love with the national team. “

We won the gold medal in juniors when I was 18. So then my goal was to try to bring the first national team ever championship for France, and we did that in 2013. Overall, just great experiences. I enjoyed it all these years.

These last 16 years have been great. I don’t regret one second.” Nanguna si Nikola Mirotic sa Spain sa nakubrang 23 puntos, habang nag-ambag si Willy Hernangomez ng 18 puntos.

Nakamit naman ng Australia ang upuan sa Group B semifinals nang pabagsakin ang long-time nemesis Lithuania, 90-64.

Hataw sina Patty Mills at Matthew Dellavedova, kapwa beterano sa NBA, sa naiskor na 21 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod para sa tinaguriang ‘The Boomers”.

Makakaharap nila sa hiwalay na semis duel ang magwawagi sa tinaguriang ‘Balkan Showdown’ sa pagitan ng Serbia at Croatia.