Dalawang regional police director ang nanganganib na masibak sa puwesto dahil sa hindi pagpapatupad ng kampanya laban sa droga.

Sinabi kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director Gen. Ronald dela Rosa na kuntento siya sa performance ng mga regional director sa bansa, maliban sa Western Visayas at Bicol regions.

“There are two to three regions that need to step up,” sinabi ni Dela Rosa nang pangunahan niya ang paglulunsad ng physical fitness program para sa mga pulis, kahapon ng umaga.

Aniya, patuloy siyang nakatatanggap ng ulat na talamak pa rin ang bentahan ng ilegal na droga sa Western Visayas.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Sa Bicol, sinabi ni Dela Rosa na nananatiling tahimik ang puwersa ng Police Regional Office (PRO)-5 kaugnay ng kampanya laban sa ilegal na droga.

“But the regional directors there promised me that they will step up their campaign,” aniya.

Sa command conference nitong Martes na dinaluhan ng 18 regional commander sa bansa, iprinisinta ang status ng sitwasyon ng droga sa mga nasasakupan, gayundin ang update sa mga operasyon laban dito. (Aaron Recuenco at Fer Taboy)