Nanawagan ang pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa taumbayan na iwasan na ang pagtatapon ng basura sa mga drainage at ilog, isang dahilan ng pagbaha sa Metro Manila.

Ayon kay DPWH Mark Villar, napakaraming basura ang bumubulaga sa kanila kapag naglilinis sila ng drainage.

“Gusto ko rin po sanang humingi ng tulong—‘wag na sanang magtapon sa ilog. Nag-cleaning kami sa mga drainage minsan may nakikita kaming refrigerator, mga couches,” ani Villar sa interview ng GMA-7.

Samantala dalawa hanggang tatlong taon pa ang tinatayang panahon para malunasan ang malalang epekto ng baha sa National Capital Region (NCR).

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“I think we can expect in two to three years na mag-i-improve ang flooding situation natin dito sa NCR,” ani Villar

Ilan sa mga plano ay ang pagbili ng dredging machines at paglalagay ng 20 hanggang 30 pumping stations sa mga binabahang lugar. (Argyll Cyrus B. Geducos)