Hinamon ng Commission on Human Rights (CHR) si Pangulong Rodrigo Duterte na kasuhan ang mga hukom, huwes, alkalde at mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) na nagbibigay ng proteksyon sa mga drug lord.

Ayon kay CHR chief Jose Luis Gascon, sa kabila ng paglalantad sa publiko ng mga listahan ng “narco-politicos” ay hindi pa rin naghahain ng kaso sa korte ang Pangulo upang madepensahan lamang sana ng mga akusado ang kanilang sarili.

“The Constitution establishes a system of justice and rule of law that requires both due process and presumption of innocence guarantees, among others. Thus, when a crime has either been or is alleged to have been committed, law enforcement must conduct an investigation with a view to charging the accused in the proper forum so a hearing could be conducted whereby the evidence would be considered to establish either the guilt or innocence of the same,” paliwanag nito.

Dapat aniyang sampahan ng kaukulang kaso sa hukuman ang mga nasa ‘listahan’ at hindi muna ipahiya ang mga ito sa publiko. - Rommel Tabbad

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists