Ni FER TABOY

Inmates from CPDRC sleep on their recreational grounds as Joint operations of Police Regional Office-7 and Philippine Drug Enforcement Agency hatched a Nakasamsam ng P4.5-milyon cash at mga naka-repack na shabu sa isinagawang Oplan Galugad sa loob ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center at Cebu City Jail kahapon ng madaling araw.

Magkatulong na sinalakay ng Police Regional Office (PRO)-7, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Central Visayas, at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), dakong 1:00 ng umaga kahapon, ang dalawang piitan matapos makatanggap ng report kaugnay ng malawakang bentahan ng shabu sa loob ng nasabing mga pasilidad.

Sa isang media report, sinabi ni PDEA-Region 7 Director Yogi Filemon Ruiz na ang malaking halaga ng cash ay kinita sa katatapos lang na bentahan ng shabu.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ayon kay Chief Supt. Noli Taliño, PRO-7 director, bukod sa pera ay nakakumpiska rin ang mga awtoridad ng kalahating kilo ng shabu at iba pang mga kontrabando, gaya ng mga flat screen TV at ilang pares ng mamahaling sapatos.

Sinabi ni Ruiz na may 3,000 bilanggo sa dalawang piitan.

“Pinataas lang namin ang mga T-shirt nila at pinababa ang shorts, para na rin sa proteksyon ng mga awtoridad, Para wala ring masabing pinaplantahan namin sila ng ebidensya,” ani Ruiz.