ISA sa mga naging host ng EDSA 1986, isang documentary na ipinalabas sa ABS-CBN si Bianca Gonzales. Tinalakay ng nasabing docu ang pagkakaisa ng mga tao sa People Power para labanan si Pangulong Ferdinand Marcos.

Kasama ni Bianca si Jim Paredes na isa rin sa mga tahasang tumuligsa sa Martial Law. Kagaya ni Jim, kilalang tagasuporta rin ni dating Pangulong Noynoy Aquino si Bianca kaya hindi kataka-taka na hanggang ngayon ay mariin ang pagtutol niya na mailibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Hindi pinalalampas at talagang pinatulan ni Bianca ang mga netizen na pumupuna sa posts niya hinggil sa Martial Law, lalo na sa isang video post na ilan sa mga naging biktima ng batas militar.

Marami ang nakapanood sa nasabing video at may mga nag-react na Marcos loyalists. Siyempre, hindi rin pinalampas ni Bianca ang bashers at isa-isa niyang sinasagot ang mga ito.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Kaya mo bang sabihin sa isang lola na ginahasa at kinuryente ang ari noong Martial Law na “Move on na teh?” sagot ni Bianca sa tweet ni @kamkamote.

“Sana wala kang lolo o lola na nakaranas ng abuso nung Martial Law. Di to tungkol sa eleksyon. Ito’y para hindi na maulit yun,” dagdag pa ng TV host. (Jimi Escala)