NGAYONG pinili na ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawin ang Charter Change (Cha-Cha) sa pamamamagitan ng Constituent Assembly, kailangang pasimulan na agad ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang paglikha ng iminungkahi niyang Constitutional Commission (Con-Com) bilang technical at advisory body at maayudahan ang Kongreso.

Maganda ang ideya ni Speaker Alvarez. Nabanggit na siya ang ilang taong may busilak na reputasyon, integridad at kakayahan na bubuo sa Con-Com, kasama sina dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno, Fr. Joaquin Bernas, Dean Fr. Ranhilio Aquino at iba pang prominenteng pangalan.

Tiyak na hindi magkakamali si Pangulong Duterte kung kukunin niya ang mga personalidad tulad nina retired Supreme Court Justices Leonardo Quisumbing, Josue Bellosillo, Dr. Allen Salas Quimpo, Dean Amado Valdez, dating Senators Rene Espina at Heherson Alvarez, Atty. Estelito Mendoza at Ed Angara, at dating Speaker Jose de Venecia.

Kung si retired CJ Puno ang magiging chairman ng Con-Com, makatitiyak tayo ng isang tunay na matibay, tumutugon at maaasahang Constitution.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa kabila ng mga pananaghoy ni Vice President Leni Robredo at panalangin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Soc Villegas na mangusap ang sambayanan hinggil sa mga nangyayaring patayan kaugnay ng Laban kontra sa illegal na droga, 92% ng mga Pilipino ang sumusuporta pa rin sa kampanya ni Pangulong Duterte.

Naghain si Albay Rep. Joey Salceda ng House Resolution 143 sa Kongreso na naglalayong huwag tatanggapin sa bansa si US Republican presidential candidate Donald Trump dahil sa pahayag nitong “terrorist state” ang Pilipinas at potensiyal na recruitment pool para sa “Islamic terror groups”. Nagbabala pa siya laban sa mga migranteng Pilipino sa US.

Ayon kay Salceda, pinahiyan ng ang mapanirang-puring sinabi ni Trump ang lahat ng Pilipino, Kristiyano man o Muslim at dapat lang na huwag siyang papasukin sa Pilipinas. Hindi nakapagtataka kung bakit maraming Republican ang sumusuporta ngayon sa Democrat bet na si Hillary Clinton.

Sa isang General Assembly ng Aklan Press Club Inc. sa Kalibo kamakailan na dinaluhan ng mga key Aklan leaders at beteranong mga peryodista sa pangunguna ni Odon Bandiola, nanindigan ang samahan na harapin ang mahahalagang isyu na kinakaharap ng Aklan at ng bansa, kasama ang Cha-Cha, media killings, pederalismo, karapatang pantao, peace initiatives, freedom of information, illegal na droga, ang pag-aagawan sa West Philippine Sea at ang tinututulang dalawang kilometrong tulay na maguugnay sa isla ng Boracay at mainland Panay. Pinagtibay din nito ang ilang resolusyon na masusi nilang gagampanan ang tungkulin nilang ipagsanggalang ang malayang pamamahayag, bilang isang educative outpost at aktibong kaagapay ng pamahalaan sa pagtataguyod ng kapakanan ng publiko.

Itatalaga sa tungkulin ang mga bagong halal na opisyal nito, kasama si Dr. Allen Salas Quimpo bilang APCI Advisory Council chairman, sa Agosto 27, 2016. (Johnny Dayang)