TAMPOK sa Kapamilya Box Office (KBO) ng ABS-CBN TVplus ngayong weekend (Aug 13-14) ang mga pelikula para sa brokenhearted at sa mga hindi naniniwala sa forever dahil ipapalabas ang hit MMFF 2015 entry na Walang Forever kasama ang iba pang blockbusters.

Magpapaiyak at magpapaisip ang tambalan nina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales kung may forever ba talaga sa pag-iibigan ngayong Sabado at Linggo. Magdaragdag naman ng kilig ang mga pelikulang Ex With Benefits starring Coleen Garcia at Derek Ramsay pati na ang Past Tense starring Kim Chiu at Xian Lim.

Bukod dito, may Hollywood films din na kasama sa lineup tulad ng Let Me In at One for The Money at episodes ng MMK, Dolce Amore, at MYX.

Ang KBO ang pinakabagong feature ng ABS-CBN TVplus na nagdaragdag ng saya sa weekend bonding ng pamilya sa commercial-free movie marathons na ipinapalabas dito sa halagang P30. Maaari ring mapanood sa iWant TV ng ABS-CBNmobile ang mga palabas sa KBO.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Mapapanood ang Kapamilya Box Office ng ABS-CBN TVplus sa GMA, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Pangasinan, Benguet, Metro Cebu, Davao City at Cagayan de Oro.