Siyam na taon nang tumataya sa lotto ang 33-anyos na overseas Filipino worker (OFW) hanggang ma-jackpot nito ang P111,998,556.00, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang OFW na ngayon ay multi-milyunaryo na ay mula sa Cavite, kung saan tinayaan nito ng P20 ang numero ng kanyang birthday, birthday ng kanyang asawa at edad ng mga anak. Sa mga numerong 33-35-13-27-05-12, nadale ng OFW ang kanyang milyones sa 6/42 draw.

Kinumbra nito ang kanyang panalo kay PCSO General Manager Atty. Jose Ferdinand Rojas II sa PCSO office sa Mandaluyong City noong August 8.

Sinabi ng OFW na ngayong milyunaryo na siya, hindi na umano niya planong mag-abroad uli, sa halip ay magnenegosyo na lamang. (Jenny F. Manongdo)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20