SINGAPORE (Reuters) – Bumagsak ang presyo ng langis nitong Miyerkules sa pagbaha ng supply sa pandaigdigang pamilihan.
Ang presyo ng krudo ng U.S. West Texas Intermediate (WTI) ay naglalaro sa $42.69 kada bariles, bumaba ng 9 na sentimos. Ang krudo naman ng International Brent ay nasa $44.93 kada bariles, bumaba ng 5 sentimos.
Sinabi ng traders na hinihila sila pababa ng patuloy na pagbaha ng supply ng krudo at refined fuel products.