Agosto 11, 1973 nang makilala ang hip-hop matapos isagawa ni Clive Campbell (“DJ Kool Herc”) at kanyang kapatid na si Cindy ang “back-to-school jam” sa recreation room ng kanilang apartment unit sa west Bronx, New York City. Sa nasabing event, binigyan ng pagkakataon ni Clive na makapagsayaw (“breakdancing”) nang matagal ang mga tao, at pinahaba ang instrumental beat at nag-rap.
Aabot lamang sa daang katao ang magkakasya sa recreational room, at nais lamang ng magkapatid na Campbell na magsaya.
Ang salitang “hip-hop” ay naging sikat makalipas ang anim na taon. Binuo ang hip-hop culture dahil sa kombinasyon ng social, political, at musical influences.