BAGUIO CITY - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang isang dating pulis, na sinasabing sangkot sa ilegal na droga, sa Barangay Pinsano sa siyudad na ito, nitong Martes ng umaga.

Kinilala ni Senior Supt. George Daskeo, director ng Baguio City Police Office, ang biktimang si Randolf Torres Lawagan, 44, AWOL na pulis, nasa drug watchlist ng siyudad, at residente ng Upper Poblacion, Tuba, Benguet.

Ayon kay Daskeo, nasa loob ng nakaparadang sasakyan ang biktima sa Purok 5, Crusher Plant pasado 8:00 ng umaga nang pagbabarilin ng mga suspek na nakasakay sa motorsiklo. (Rizaldy Comanda)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?