GERALD AT BEA_BAGO copy copy

EXTENDED ang showing ng How To Be Yours nina Gerald Anderson at Bea Alonzo, pero hindi naman siguro maaakusahan ang dalawa na para sa promo pa rin ng kanilang pelikula ang patuloy nilang paglabas-labas. Exclusively dating na ngang matatawag ang ginagawa ng dalawa at aprubado ito sa marami, lalo na ng kanilang fans.

Huling nakita sina Gerald at Bea sa Trampoline Park sa Pasig City malapit sa Tiendesitas. Natuwa ang mga nakakita sa dalawa at iisa ang kanilang wish, na sana ay magkabalikan sina Gerald at Bea and this time, maging happy na ang kanilang relasyon at hindi na itatago. Higit sa lahat, hindi na sila parehong iiyak.

Bago sa Trampoline Park, nakita rin ang dalawa na nagbo-bowling kasama ang ilang common friends. Hindi lang nabanggit kung saan dinala ni Gerald si Bea para mag-bowling.

Human-Interest

KILALANIN: Si Pope Leo XIV—ang Santo Papa na aktibo sa social media

Mukhang sa sports activities, na hilig ni Gerald, niya dinadala si Bea at dahil sumasama ang aktres, ibig sabihin ay enjoy ito sa mga lakad nila. Nag-enjoy siyang mag-bowling at nag-enjoy tumalun-talon sa trampoline at higit sa lahat, enjoy siyang kasama si Gerald.

Hindi imposible ang espekulasyon ng maraming fans – at pati na ng maraming katrabaho nila -- na nagkabalikan na sila.

Love is sweeter the second time around naman talaga, sabi nga. (NITZ MIRALLES)