Ni Beth Camia

Philippines' Hidilyn Diaz competes during the women's 53kg weightlifting event at the Rio 2016 Olympic games in Rio de Janeiro on August 7, 2016.  GOH Chai Hin / AFPIpinagmalaki kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kauna-unahang pagkakasungkit ng silver medal ni Hidilyn Diaz sa Rio Olympics na ginaganap ngayon sa Brazil.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ipinaabot ng Pangulong Duterte ang kanyang pagbati kay Diaz.

“The Philippines and the President is honored and proud of Hidilyn Diaz’s Silver Medal win at the Rio Olympics. We extend our sincerest congratulations and celebrate the end of the medal drought. Truly change has come,” ani Abella.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ayon kay Abella, nagbubunyi ang pangulo dahil natuldukan na ang medal drought ng Pilipinas.

Dagdag pa ni Abella na tunay na ngang dumating ang pagbabago.

Magugunitang nasungkit ni Diaz ang silver medal sa Rio Olympics sa weightlifting.

Si Diaz ang kauna-unahang non-boxer na Pilipinong atleta na nakasungkit ng medalya mula noong 1936.