KATHNIEL copy

KAILAN ba ipapalabas ang pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na may titulong Barcelona: A Love Untold na idinirehe ni Ms. Olive Lamasan for Star Cinema?

Naitanong namin ito dahil trending ang project nilang ito sa social media at nag-uusap-usap ang mga supporter nila at excited na silang lahat sa pelikula hindi lang dito kundi maging sa ibang bansa.

Curious rin kami sa pelikulang ito lalo’t si Inang ang nagdirek na knowing naman ng lahat na bihira lang gumawa ng pelikula pero laging box office hit, bukod pa sa talagang pinipiga niya ang pag-arte ng mga artista niya. Kaya interesado kami kung paanong atake kaya ang ginawa niya kina Daniel at Kathryn, hindi na ba sila pa-cute sa pelikula?

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Base naman kasi sa nakita naming mga litrato ng KathNiel sa shooting nila sa Barcelona, parang naglalaro lang sila dahil masasaya lahat sa set.

Ganito raw talaga ang KathNiel kapag nagso-shooting o nagti-taping, kahit seryoso ang project para lang silang naglalaro tulad din nu’ng gawin nila ang TVC ng San Marino Corned Tuna.

Sabi sa amin ni Katotong Rose Garcia, binalikan sa TVC ang panahon na naghahanap ng young actor na maila-loveteam kay Kathryn. Iba ang unang sinubukang young actor kay Kathryn noon.  

Sa Princess & I napansin ang chemistry nila, at simula noon ay sumikat nang sumikat ang love team nila. Mahusay ang San Marino Tuna para maisipang balikan ang magical moment na iyon ng KathNiel.

“Sobrang saya, blessing talaga siya sa amin at sobrang okey pa ‘yung produkto, ang sarap,” sabi ni Daniel na sinusugan naman ni Kathryn, “Yung totoong shot na kumakain ako, na-enjoy ko talaga siya. Ang sarap talaga!”

At ang latest sa relasyon nina Daniel at Kathryn?

“Dating pa rin. Meron kasi, nasa dating stage pero nasa getting-to-know. Kami, dating comfortably,” sey ni Daniel.

Sabi naman ni Kathryn, “Dating to have fun, ‘yun ang definition namin nu’n. Nagdi-date kami, wala lang, gusto kong kumain, manood ng TV, di ba, date na ang tawag nila. Minsan, group dates.”

Samantala, ang say naman ng KathNiel sa bago nilang pelikula, “Parang ito ang first movie namin na matured na talaga ang role. Parang ibang step naman ‘to, parang tapos na namin ang first step ng buhay namin,” paglalarawan ng aktor.

“Second step na tayo ngayon, level-up na tayo,” hirit naman ni Kathryn. (Reggee Bonoan)