Bow Wow copy

INIHAYAG ng U.S. rapper na si Bow Wow ang kanyang pagreretiro sa music industry, sapat na raw ang kinita niya na mahigit $20 million at hindi na niya nakikita ang kanyang sarili na nagra-rap sa pagtuntong niya sa edad 30.

Sinabi ni Bow Wow, 29, na nagsimulang sumikat sa edad 13 bilang Lil’ Bow Wow, sa serye ng mga mensahe sa Twitter noong Linggo at Lunes na huling album na niya ang NYLTH. Hindi niya binanggit kung kalian ito ilalabas.

“I always said I’d retire from music before 30,” tweet ng musikero. “I just can’t see myself at 30 years old rapping.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Made over 20 million off rap. Why be greedy? Im good with everything I accomplished. I made it to the White House,” dagdag ng Ohio-born rapper, na ang tunay na pangalan ay Shad Moss.

Bilang Lil’ Bow Wow, naglabas siya ng kanyang unang album na Beware of the Dog noong 2000. Nagkaroon din siya ng career bilang actor nang lumabas siya sa pelikula tulad ng Madea’s Big Happy Family at sa crime series sa TV na CSI:

Cyber.

Sinabi rin niya sa kanyang post sa Twitter na binabalak niyang mag-concentrate sa pag-arte at sa pagprodyus ng dalawang TV show. (Reuters)