“Pusher na ayaw tumigil, huwag tularan.”

Ito ang mga katagang nakasulat sa placard na iniwan ng riding-in-tandem sa tabi ng bangkay ng isang lalaki na umano’y Top 6 most wanted drug personality sa Pasay City, nitong Biyernes ng gabi.

Hindi na umabot pa sa Pasay City General Hospital si Dante De Paz, alyas “Dante”, nasa hustong gulang, ng Apelo Cruz, Barangay 157 ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sinusuri ng awtoridad ang closed-circuit television (CCTV) camera sa pinangyarihan upang tukuyin ang pagkakakilanlan ng mga suspek na agad tumakas matapos isagawa ang krimen.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa ulat na natanggap ni Pasay City Police chief Sr. Supt. Nolasco Bathan, dakong 7:11 ng gabi pinagbabaril ang nakatayong biktima sa kahabaan ng Apelo Cruz Bgy. 157.

Makikita sa CCTV camera na matapos makitang duguang bumulagta ang biktima, inihagis ng mga suspek ang placard bago tuluyang tumakas.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. - Bella Gamotea