SOLANO, Nueva Vizcaya - Inaalam pa ng Solano Police kung ang pagkakapatay sa isang magkasintahan at ang pagkakasugat sa isa pa ay may kinalaman sa droga.

Sa panayam kahapon kay PO2 Michael Querimit, sinabi niyang masusi ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at tinitingnan ang mga motibo ng ilegal na droga, love triangle, at personal na alitan.

Dead on arrival sa pagamutan ang magkasintahang Jeremy Duyaggan, 23, tricycle driver; at Pamela Grace Ruar, 22, ng Barangay Osmeña, habang malubha naman at ginagamot pa sa ospital si Darwin Macaraeg, 23, binata, ng Bgy. Roxas, pawang sa Solano.

Ayon sa report, nag-iinuman nitong Huwebes ang mga biktima sa J. Espino Street sa Bgy. Poblacion North nang pagbabarilin sila ng mga suspek na sakay sa isang itim na Yamaha Mio motorcycle. - Liezle Basa Iñigo

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog