Ni Elena Aben

Ipinahatid ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbati sa mga miyembro ng Philippine Team at iginiit na gawin ang kanilang makakaya para sa matikas na kampanya sa Rio Olympics.

“The President wishes and challenges our Philippine contingent to give 100 percent and he wishes them the best,” pahayag ng Pangulo sa mensaheng binasa ni presidential spokesperson Ernesto Abella nitong Sabado.

Binubuo ng 13 atleta na sasabak sa walong sports ang delegasyon ng Pilipinas sa Rio Games na pormal nang nagsimula kahapon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Target ng Pinoy na pawiin ang mahabang panahong pagkauhaw sa gintong medalya sa Olympics. Huling nagwagi ng silver medal ang Pilipinas sa 1996 Atlanta Games nang mabigo si Onyok Velasco sa boxing finals.

Sa ginanap na send-off para sa mga atleta sa Malacañang, ipinangako ni Duterte ang mas malaking benepisyo sa kanilang pagwawagi sa Rio.

Itinaas din niya ang allowances sa US$3,000 mula sa dating US$1,000.

“You need not kill to win, just enough that you try,” ayon sa Presidente.

Ang mga miyembro ng RP Team ay sina Ian Lariba, Marestella Torres-Sunang, Eric Cray, at Mary Joy Tabal, weightlifters Hidilyn Diaz at Nestor Colonia, swimmers Jasmine Alkhaldi at Jessie Lacuna, Miguel Tabuena (golf), Kirstie Alora (taekwondo), Kodo Nakano (judo), at Rogen Ladon at Charly Suarez (boxing).