Inaalam na ng Las Piñas City Police kung miyembro ng sindikato ang tatlong lalaki na nahulihan ng mga baril, shabu at drug paraphernalia matapos maghain ng search warrant ang mga tauhan ng Intelligence Unit sa isang bahay sa nasabing lungsod nitong Biyernes.

Kasalukuyang nakakulong si Paulo Palma Casino, nasa hustong gulang, ng No.22 Boeing at Mustang St., Airmen’s Village, Pulang Lupa Dos ,Las Piñas City, kasama sina Masuod Haerikermani at Alfredo Asence.

Sa ulat na natanggap ni Las Piñas Police chief Sr. Supt. Jemar Modequillo, dakong 4:30 ng hapon kamakalawa nadakip ng awtoridad ang tatlong suspek sa loob ng bahay ni Casino.

Narekober ang isang .9mm pistol armscor, isang magazine na may 16 na bala ng nasabing baril, isang .22 caliber revolver, 10 plastic sachet na naglalaman ng shabu, at drug paraphernalia. - Bella Gamotea

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20