NGAYONG araw na magsisimula ang Rio 2016 Olympic Games, ang pinakamalaki at pinakaprestihiyosong international sporting event na dadaluhan ng pinakamagagaling na atleta mula sa iba’t ibang bansa.

Matapos ang naging maaksiyong FIBA Olympic Qualifying Tournaments na isa ang Pilipinas sa mga naging venue, inaabangan naman nating mga Pinoy ang Rio Olympic Games na ginaganap sa Rio de Janeiro, Brazil.

Malayo man tayo sa Brazil, hindi pa rin tayo mahuhuli sa mga magaganap sa Olympics dahil may live coverage na ihahatid sa Pilipinas ng Kapatid Network. Kilala ang TV5 sa paghahatid ng pinakamalalaking local at sporting events at para sa Rio Olympics 2016, TV5 ang official Philippine broadcaster.

Itinuturing ng TV5 na malaking karangalan ang pagiging official Philippine broadcaster ng Rio Olympics at pangako nito ang paghahatid ng extensive coverage na magpapakita hindi lamang ng galing ng bawat atleta kundi ang matatapang na puso nitong handang lumaban gaano man kahirap ang paghamon.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang Rio Olympics 2016 ay magsisimula sa ika-6 ng Agosto hanggang 22 sa Rio de Janeiro, Brazil (Agosto 5-21 sa Brazil time). Saksihan ang full live coverage ng Rio 2016 Opening Ceremony ngayong 7 AM at ang Olympic Games sa digital - www.SPORTS5.ph; mobile sa pamamagitan ng SmartLife app at ng TV5 & Aksyon TV |Hyper SD and HD plus RIO 2016 Channel 96 at RIO 2016 Premium (Pay-per-view) Channel 99 sd/ 199HD. Ang RIO 2016 coverage ay hatid din ng PLDT Home Fibr at Smart.