Mapantayan ang natamong tagumpay sa nakalipas na All- Star ang hangad ni San Miguel coach Leo Austria sa muli niyang pagiging coach ng South Team sa 2016 PBA All-Star Game bukas.

“This is my second time to coach an All-Star team and in my experience last year, it’s nice to win a game against a team that is also competitive. I just want to tell my players that we want to win the game as much as we want to enjoy it and give back to the fans,” pahayag ni Austria sa naganap na PBA All-Star Weekend press conference nitong Huwebes.

Sa pamumuno ni last year All-Star MVP Terrence Romeo, nagwagi ang North squad na ginabayan ni Austria, 166-161, kontra South sa Puerto Princesa City sa Palawan.

Ngayong nalipat siya sa South Team, sasandigan ni Austria sina reigning league two-time MVP June Mar Fajardo at one-time MVP James Yap.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Last year naman, nanalo ako so sana maulit muli,” aniya.

Huling nanalo ang South team sa All-Star noong 2008 sa pangunguna ni Peter June Simon kontra North, 163-158, sa Bacolod.

Naniniwala si Yap na mapapawi na ang matagal na pagkauhaw sa panalo ng South sa pagkakataong ito.

“Magiging seryoso kami sa game. Itong All-Star naman, para naman sa mga fans ito eh!, so bibigyan namin sila ng magandang laro para mag-enjoy sila,” ani Yap. Naniniwala rin si Austria na ang komposisyon ng kanyang koponan na binubuo ng mga bata at beteranong mga manlalaro ay magiging bentahe.

“Probably, we have slight advantage because we have the youngest and oldest players. But we know it will be competitive.” (Marivic Awitan)