PIOLO copy copy

INAMIN ni Piolo Pascual na napipikon na siya sa walang katapusang pangba-bash sa kanya. Mukhang hindi na raw siya titigilan ng bashers niya.

Lately, nilagyan ng malisya at ng kung anu-ano pa ang gustong palabasin ng netizens na may maruruming isip ang picture ni Piolo kasama ang anak na si Iñigo Pascual.

Pinagalitan niya ang kanyang personal assitant na si Moi Bien na siyang nag-post ng naturang larawan nila.

Human-Interest

ALAMIN: Ang 2025 sa ilalim ng Year of the Wooden Snake

“Sabi ko nga sa kay Moi na siya na ang bahalang mag-explain, kasi parang ako wala naman akong papatulan sa ganyan. Sa totoo lang, parang ‘yung mga tao talaga, you’ll feel bad for this people. Kumbaga, ganyan ba talaga kadumi ang isip ng mga tao?” pahayag ng premyadong aktor.

Ikinapikon din niya ang pangba-bash sa kanya ng LizQueen fans na karamihan sa mga sinasabi tungkol sa kanya ay below the belt na. Dahil lang naman nakapagkomento siya na gusto niyang makapareha si Liza Soberano.

Binibigyan umano ng ibang kahulugan ang sinabi niya at dahil doon ay kung anu-ano na ang mga ibinibintang sa kanya ng mga tagahanga nina Liza at Enrique Gil.

“Sabi nga nila, ang pikon, talo. Kumbaga, ‘pag pumatol ka, mas talo ka pa. So, I guess you just have to take the higher road and just be the better person in the situation. Wala na akong magagawa d’yan. You have to be wiser and choose your battles na lang,” sey pa ni Piolo. (JIMI ESCALA)