Nabalewala ang pakikisama ng isang dishwasher sa tatlong itinuturing niyang mga kaibigan matapos siyang paggugulpihin ng mga ito nang mapagbintangang siya ang nagnakaw ng bisekleta ng mga huli sa Navotas City, nitong Miyerkules ng gabi.

Kasalukuyang nagpapagaling sa Tondo Medical Center si Dave Tubig, 29, ng block 3, lot 132 1st Street, Barangay NBBS ng nasabing lungsod, sanhi ng mga pasa sa mukha at kawatan.

Nadakip naman ang mga gumulpi sa biktima na sina Eduardo Tapia, 32, ng Tabing Dagat, Bgy. Bagong Bayan South at Raymart Buneventura, 22, ng Cadomiga St., habang tumakas at nagtago ang kasamahan nilang si Ryan Molina.

Ayon kay PO2 Joemir Juhan, nagtungo si Tubig sa bahay ni Tapia, dakong 8:15 ng gabi para kunin ang naiwan nitong damit.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Walang tao sa bahay ni Tapia noong mga oras na iyon kung kaya’t nagpasya ang biktima na umuwi na lamang.

Habang naglalakad umano pauwi si Tubig, hinarang siya ng tatlo at kinompronta kung bakit umano niya ninakaw ang kanilang bisikleta.

Hindi pa man nakakapagpaliwanag, katakut-takot na suntok at sipa ang inabot ng biktima.

Tumigil lamang ang tatlo sa panggugulpi nang mawalan na ng malay si Tubig.

Kasong serious physical injuries ang kasong kinakaharap ng mga suspek. (Orly L. Barcala)