BEIJING (People’s Daily) – Nagbukas ang China noong Miyerkules ng website sa South China Sea, kumpleto ng mga makasaysayang mapa, artikulo, at pananaliksik, ayon sa State Oceanic Administration (SOA).
Pinatatakbo ng National Marine Data & Information Service, ang Chinese language site ay may 10 seksyon na tumatalakay sa pangunahing impormasyon, balita, historical archives, development and management, expert opinion, batas at regulasyon, timeline ng malalaking pangyayari, mga larawan at video, at Q&A.
“The South China Sea has drawn huge attention, but some information online is not accurate,” sabi ni Zhang Haiwen, opisyal ng SOA na namamahala sa international cooperation. “We hope that this website will enable domestic and overseas people to better understand it and learn about the truth behind the ‘dispute’ over it.”
Ayon kay Zhang, hindi lamang mga mapa at archives ang laman ng website kundi pati na ang exclusive analysis at mga artikulong nagpapaliwanag batay sa pananaliksik ng mga eksperto sa libu-libong mapa.
Binanggit ni Zhang na isang mapa na madalas gamitin ng Vietnam upang patunayan na pag-aari nito ang Xisha Islands ay sa katunayan ay nabuo sa pagdudugtong ng dalawang mapa, na nakuha na ng mga eksperto at maaaring gamitin para pasinungalingan ang paghahabol ng mga Vietnamese.
Ayon sa SOA, kailangan munang repasuhin ng isang panel ng mga eksperto at maging komprehensibo, makapangyarihan, detalyado at tumpak ang mga impormasyon sa website.
Mayroon na ngayong anim na domain name ang website, kabilang na ang www.thesouthchinasea.org at www.china-nanhai.org, dahil sa alalahanin sa impormasyon, pagkakabuklod at seguridad, ayon sa SOA.