ROUEN, France (AFP) – Nagbigay ng huling papugay ang France nitong Martes kay Father Jacques Hamel, ang 85-anyos na paring pinatay ng mga jihadist sa loob ng simbahan noong nakaraang linggo, sa emosyonal na funeral na ginanap sa gitna ng matinding seguridad sa cathedral sa hilagang Rouen.

May 2,000 nagdadalamhati ang dumagsa sa 11-century Gothic cathedral, at daan-daang iba pa ang nanood sa seremonya sa higanteng screen sa labas. Kabilang sa mga nakipaglibing ang mga Muslim at Jew. Ihihimlay si Hamel sa isang lihim na lokasyon.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline