Inilarga ng Office of the Ombudsman ang kasong graft laban kay Zamboanga Del Sur Governor Aurora Cerilles at apat na iba pa kaugnay sa maanomalyang pagbili ng solar lights noong 2008.

Kasamang pinakakasuhan ng Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) sina Bids and Awards Committee (BAC) members Dr. Rino Soria, Atty. Mark Anthony Padayhag, Wenefreda Cañada, at Evelyn Pununcialman.

Ito ay matapos pinayagan ni Cerilles at ng apat na opisyal ang pagbili ng P14.9 milyon solar lights para sa bayan ng Dumalinao mula sa pork barrel fund ni noo’y Congressman Antonio Cerilles nang hindi dumaan sa bidding, ayon sa Commission on Audit (COA). - Rommel P. Tabbad

Tsika at Intriga

Negosasyon sa renewal ng It's Showtime sa GMA, pinoproseso na!