MANAGUA, Nicaragua (AP) – Si Nicaraguan first lady Rosario Murillo ang pinangalanan noong Martes na running mate ng kanyang asawang si Daniel Ortega, na tumatakbo para sa ikatlong magkakasunod na termino sa halalan sa Nobyembre 6.

Pormal na inirehistro ng Sandinista National Liberation Front si Murillo bilang vice presidential candidate nito.

Namuno si Ortega sa Nicaragua mula 1979 hanggang 1990, at kasunod nito ay tinalo siya ni Violeta Chamorro. Pinangunahan ni Murillo ang kampanya na nagbalik kay Ortega sa panguluhan noong 2006 at muling naghalal sa kanya noong 2011.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline