Natagpuang palutang-lutang ang bangkay ng isang fetus na halos magkahiwa-hiwalay na ang katawan sa isang ilog sa Pasay City kamakalawa, iniulat kahapon ng pulisya.

Ayon sa Pasay City Police, ang fetus na tinatayang pito hanggang walong buwang gulang ay natagpuan inaanod at nakalutang sa Seaside part ng Bay Boulevard, SM Mall of Asia (MOA) sa Pasay City.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nasilayan ang fetus dakong 9:45 ng umaga noong Martes at ipinagbigay alam ito sa isang security guard ng SM MOA.

Agad namang inimpormahan ng security guard ang pulisya at hinango ang fetus mula sa tubig.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon sa mga imbestigador, posibleng sa ibang lugar itinapon ang fetus at inanod na lamang ito ng tubig hanggang sa matagpuan sa nasabing lugar, base na rin sa kalagayan ng bangkay.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang mga pulis upang matukoy kung sino ang nasa likod nito.

(Martin A. Sadongdong)