Anim na armadong kalalakihan na umano’y tauhan ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. ang bumulagta matapos makipagbarilan sa mga awtoridad sa harap mismo ng bahay ng sumukong alkalde.

Ayon kay Chief Insp. Maria Delia Rentuaya, spokesperson ng Eastern Visayas regional police, ang sagupaan ay naganap dakong 5:30 ng umaga kahapon sa Sitio Tinago, Barangay Binulho.

“Six men were killed, they are believed to be members of the Espinosa group,” ani Rentuaya.

Nagpapatrol umano ang mga elemento ng lokal na pulisya at ng Regional Public Safety Battalion sa lugar at nang mapadaan sa bahay ni Espinosa ay nagpaputok umano ang mga armado hanggang mapatay ang mga ito.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Narekober sa lugar ang 13 high-powered firearms, rifle grenades at .45 pistol.

Hanggang sa sinusulat ang balitang ito ay hindi pa nababatid kung saan nagtatago ang anak ng alkalde na si Rolan Kerwin, umano’y big-time drug lord sa Visayas, base na rin sa pagbibisto ng alkalde.

Si Kerwin na nagpa-plastic surgery na ay hinihinalang nasa Hong Kong, o kaya’y sa Malaysia-Singapore area.

Nananatili pa rin ang order na ‘shoot on sight’ sa anak ng alkalde. - Aaron Recuenco

at Nestor L. Abrematea