Nais ni long-jumper Marestella Torres-Sunang na maging pinaka-memorable ang kanyang ikatlo at huling Olympics.

Sa edad na 34-anyos, gayundin ang responsibilidad bilang isang ina, ramdam ng Southeast Asian Games long jump record holder ang tawag ng pagreretiro.

Bahagi na ng kasaysayan si Torres-Sunang matapos unang lumundag sa 2009 Beijing Games.

Kapwa nakakadismaya at kinapos sa kanyang personal na target ang kampanya sa Beijing at sa 2012 London Games.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa pagsabak sa Rio Olympics, ipinangako niya ang kakaibang resulta.

“Sana maka-perform ako ng maganda,” pahayag ni Torres-Sunang.

Si Torres-Sunang ang pinakamatanda sa 12-man Philippine team sa Rio Games.

“Sobra ang hirap na pinagdaanan ko sa training,” sabi ni Torres- Sunang, na sasabak sa long jump event sa Agosto 16.

Bitbit ang bagong personal best na 6.72 meters, umaasa si Sunang na makakatuntong sa finals ng Olympics sa unang pagkakataon.

“Ang target ko talaga ay malampasan ang personal best ko. Para may chance umabot sa finals,” aniya.

“As long as ma-match or malampasan ko personal best ko, I have a chance to reach the finals.”

“That will be the best finish in the Olympics. Eto na ang last ko.” (Angie Oredo)