LIPA CITY, Batangas – Isang fetus na nakasilid sa plastic ang natagpuan sa basurahan ng Grand Terminal sa Barangay Marawouy Lipa City, ayon sa report ng pulisya.

Dakong 10:30 ng umaga nitong Linggo nang mapansin ng janitor na si Brix Benamer ang berdeng plastic sa ibabaw ng basurahan, na nang silipin ay nakitang nakasilid doon ang isa pang pulang plastic na kinalalagyan ng fetus.

Kaagad itong ipinaalam ni Benamer sa guwardiya ng SM City Lipa.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung sino ang nagtapon ng fetus, na inilibing na sa Catholic cemetery. (Lyka Manalo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito