Tulad ng inaasahan, dinumog ng MMA fans ang inaugural Series of Fighting – Global Championship (WSOF-GC) fight card nitong Sabado ng gabi, sa Araneta Coliseum.

Dumagundong ang hiyawan sa Big Dome nang maitala ni Russian Evgeny Erokhin (15-4) ang first round knockout win kontra Richard Odoms ng United States (11-3) para mapanatili ang WSOF-GC World Heavyweight Championship.

Nagawa ito ng Russian may 1:11 ang nalalabi sa opening round.

Sa co-main event, nabigo naman si Mario Sismundo (3-2) kay Keremuaili Maimaitituoheti ng China (6-3).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagwagi naman sa WSOF-GC flyweight tournament sina Lawrence DiGiulio (18-8-1) kontra Marcel Adur (11-5) via split decision at Japanese Yusaku Nakamura (13-4-1) kontra Tim Moore ng Australia (10-6) via unanimous decision.

Nagdiwang naman ang Pinoy fans nang gapiin ni Jujeath Nagaowa (3-0) si Japanese Yuko Kiryu (2-3) via unanimous decision.