BUTUAN CITY – Inihayag ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang pagkakaloob ng P12 umento sa mga manggagawa sa Caraga region, alinsunod sa bagong wage order ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB)-13 sa hilaga-silangang Mindanao.

Sinabi ni Mr. Earl D. Dela Victoria, regional officer at Board Secretary VI, na dadagdagan ng P7 ang minimum na suweldo ng mga manggagawa sa rehiyon, kaya nasa P275 kada araw na ang sahod ng minimum wage earner.

Pagsapit naman ng Oktubre 1, 2016, tatanggap ng karagdagang P5 sa cost of living allowance (COLA), kaya magiging P280 na ang arawang minimum wage rate, aniya.

Ang nasabing wage order ay naging epektibo 15 araw matapos itong ilathala nitong Hunyo 16, 2016.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

“In addition, establishments are encouraged to adopt productivity based incentive schemes to employees as a 2nd tier mechanism to increase the wages and the said scheme is voluntary in nature,” sabi ni Dela Victoria.

(Mike U. Crismundo)