Isang linggo bago ang pagbubukas ng Rio Olympics, dumating sa Rio de Janeiro si Usain Bolt ng Jamaica para maagang makapaghanda sa kanyang kampanya na makopo ang sprint title sa isa pang pagkakataon.
Napatunayan naman noong Biyernes ng world record holder, na nangangailangan ng medical exemption matapos umalis sa Jamaican trials para sa harmstring strain, ang kanyang kakayahang makapaglaro matapos tumakbo ng 19.89 segundo para magwagi sa 200 meter sa London Diamond League.
Sumama si Bolt sa Jamaican pre-Olympic camp dahil sinusubukan niyang masungkit ang kauna-unahang taong mananalo ng gintong medalya sa 100, 200 at 4x100 relay sa magkakasunod na olympics.
Dumaan sa training at medical treatment si Bolt sa Munich matapos umalis sa Jamaican trial para sa harmstring injury.
Kabilang si Bolt sa 63-man delegation ng Jamaica sa Rio Games.
Sasabak din ang Caribbean nation sa diving, swimming, at artistic gymnastics. (Isinalin ni Lorenzo Jose Nicolas)