MATAPOS ang pag-uusap sa kakatapos na birthday party ni Jennifer Lopez, posible kaya ang collaboration nila ni Calvin Harris?

“Jennifer and Calvin discussed a possible music collaboration during her birthday party,” sabi ng isang source sa People.

Dumalo ang newly single na si Harris sa 47th birthday party ni Lopez sa Las Vegas noong weekend, at dumalo rin sa matagumpay na Planet Hollywood concert ng singer ng All I Have.

“They discussed the types of music they both love. Calvin was excited to be at the party, hanging out with Jennifer and chatting with Benny [Medina],” dagdag ng source.

Tsika at Intriga

Andrea Brillantes, mas hot daw kaysa kay Xyriel Manabat

Ang DJ, na may sariling tirahan sa Omnia, ay naki-party rin kasama si Kim Kardashian West. Bago siya maki-hang out sa reality star, nag-lip-synch si Harris ng kanta ni Kanye West na That Part sa Snapchat.

Bagamat hindi pa gumagawa ng mga kanta si Lopez sa Scottish producer, kasama sa resume ni Harris ang mga nakamamanghang (at matagumpay) na partnerships.

Nakatrabaho na ni Harris ang kanyang ex na si Taylor Swift sa kanyang latest hit na This Is What You Came For na tampok ang boses ni Rihanna, na nakatrabaho rin niya sa We Found Love. Nakipag-collaborate na rin si Harris kina Mary J. Blige, Kylie Minogue, Ellie Goulding, Rita Ora, John Newman, Florence Welch, Ne-Yo, Cheryl Cole, at Gwen Stefani.

(People.com)