PINATUNAYAN ni Claudine Barretto na kaibigan siya ni Piolo Pascual dahil ipinagtanggol niya ang aktor sa malisyosong isyu sa kanila ng anak na si Iñigo Pascual dahil lang sa picture nilang mag-ama na magkatabing nakahiga.

In fairness, si Claudine pa lang sa maraming kaibigan ni Piolo ang naging open sa pagtatanggol sa aktor. Idinaan ni Claudine sa Instagram ang kanyang digusto sa maruming pag-iisip ng ibang tao.

“First of all I’m not a person na mapagpatol only up to a certain point. There are people who’s personal hobby & I guess HABIT na manira at manakit at mag-SPREAD NG FALSE, PAINFUL, BELOW THE BELT COMMENT sa mga artista na di naman nila EVER NAKASAMA O KAKILALA PERSONALLY!!! I am very protective of the people I luv & know so soo well like @piolo_pascual, ang tagal na kasing ganito mga rumors, kelan ba kayo titigil?

Ako at mga kaibigan, kapatid at kapamilya ni Piolo ang MAS NAKAKAKILALA SA KANYA. Sobrang kabastusan na itong mga memes n’yo tungkol kay PJ at @iminigopascual. Gusto ko pong makiusap at maipagtanggol si Piolo simply because I know him very well.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

You guys are hitting not only a good but GREAT MAN! Wala hong ginagawa sa kanila ‘yung tao, rumespeto naman tayo sa inambag ng isang Piolo Pascual sa industriya dahil kapag nabigyan kayo ng pagkakataon makilala si Piolo sinisiguro ko lahat ng mga namba-bash sa kanya mapapahiya po kayo at please lang, ‘wag tayo mandamay ng mga anak.”

May mga nagsabing dapat hindi na nagsalita si Claudine dahil mas lalaki lang ang isyu, pero batay sa comments, mas marami ang natuwa sa ginawa niya. Nagpasalamat pa nga sa kanya ang fans ni Piolo sa pagtatanggol niya rito at kay Iñigo. (NITZ MIRALLES)